Sa US Embassy, isang lalaki na hindi marunong mag-english ay may kasamang interpreter sa interview....
American Consul: Why would I grant you a visa to the United States, you don't even know how to speak english?
(tinagalog ng interpreter para sa lalaki)
Lalaki: Bakit ikaw, nasa Pilipinas ka marunong ka ba magtagalog?
(iningles ng interpreter para sa consul)
Resulta: Multiple entry Visa
"Marunong ka ba magtagalog?", 'yan ang madalas kong tanong sa mga kababayan nating Pinoy na laking Tate. 'Pag sinabi nilang "oo", sasabihin ko, "hay salamat! 'kala ko dudugo na ilong ko e!" (sabay tawa). 'Pag sinabi naman nilang "No." o "Just a little.", sasabihin ko, "Bakit??" (kunot-noo).
Oo, alam ko! importanteng marunong kang mag-ingles. Katunayan, karamihan ng sinusulat ko ay nakasulat sa katagang ito, para maintindihan ng nakararaming tao. Pero may mas hahalaga pa ba, na kahit ikaw ang pinakamagaling na tao na pwedeng makipag-chat kay John Doe, na marunong ka ring managalog?!
Pilipino : Tagalog Amerikano : Ingles
Maliwanag naman 'diba. Paano mo nasabi na "I am Filipino, and I am proud to be one." Kung ang isa sa pinakamahalagang katangian ng Pinoy ay wala ka.
Kung Amerikano ang kausap mo, nararapat lang na mag-ingles ka. Pero kung ang kaharap mo ay si Juan Dela Cruz, hindi ba't nararapat lang na kausapin mo s'ya sa lengwaheng alam n'ya?
Kapatid, kung marunong ka lang sana magtagalog, maiintindihan mo sana ang gusto kong iparating......... Kaso hindi.........
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment